Cash assistance para sa mga Rice Farmer, aprub ng DOF at DA

Magpapatupad ang gobyerno ng cash assistance sa Rice Farmers para maibsan ang epekto ng pagbagsak ng presyo ng palay dahil sa Rice Tarrification Law.

Ito ang napagkasunduan Agriculture Sec. William Dar at Finance Sec. Carlos Dominguez.

Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng unconditional cash assistance na ilalalaan sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council.


Inaasahang lalagpas sa ₱10 Billion ang Tarrif Revenues mula sa rice imports ngayong taon.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang farmgate prices ay bumaba ng 23% o ₱5.30 kada kilo sa ₱17.85 mula noong setyembre 2018 na nasa ₱23.15.

Posible pang bumaba ang presyo dahil sa papalapit na harvest season sa susunod na buwan.

Facebook Comments