Baguio, Philippines – Matapos ang panawagan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong patungkol sa pagsuko ng ilang mga myembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CCP-NPA), at magbalik loob sa gobyerno, nagbigay ng cash assistance ang alkalde sa unang sumuko noong buwan ng Hunyo, na kinilalang Anne, dating asawa ng namayapang CPP-NPA Commisioner, Julius Giron.
Nasa P65,000 ang ibinigay na cash assistance ng gobyerno at nangako naman si “Anne” na gagamitin ang nasabing cash assistance para makatulong din sa kanyang kababayan sa Besao, Mountain Province, sa pamamagitan ng ilang mga proyekto.
May paglilinaw naman ang Police Regional Office – Cordillera at si alyas Anne, na hindi sya kabilang sa grupo ng NPA, nasangkot lang sya dahil sa kanyang asawa at sumuko sya dahil sa takot sa banta ng kanyang buhay, at nangako ang gobyerno na tutulungan siya na linisin ang kanyang pangalan.
Image By: PiO Baguio