Cash assistance sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya, target tapusin ng DOLE bago sumapit ang Pasko

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maipamahagi na ang cash assistance sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 pandemic bago mag-Pasko.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster Usec. Benjo Santos Benavidez na higit sa 93% ng ₱16 million na pondo na inilaan para sa mga apektadong manggagawa sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nai-download na ng iba’t ibang DOLE regional at overseas offices.

Ayon pa kay Benavidez, kabilin-bilinan sa kanila ni Labor Secretary Silvestre Bello III na huwag nang patagalin ang pondo sa ahensya at agad na ipamigay sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang tulong pinansyal para maging masaya ang Pasko ng mga ordinaryong manggagawa.


Kabilang sa mga programa ng DOLE ay ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa mga displaced formal workers, Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) Program para sa mga nawalan ng hanapbuhay na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program para naman sa mga naapektuhang informal workers.

Facebook Comments