Cash-based-budgeting system sa 2019 tuloy pa rin – DBM

Manila, Philippines – Sinopla ni Budget Sec. Benjamin Diokno ang naging pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na hindi na tuloy ang cash-based-budgeting system sa 2019 national budget.

Ang naunang pahayag tungkol dito ni Andaya ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyong nagpapalawig sa paggamit ng 2018 p3.767-trillion national budget hanggang ngayong 2019.

Dahil dito, hindi na matutuloy ang cash-based budget system mula sa kasalukuyang obligation-based.


Iginiit naman ni Diokno na mananatiling cash-based ang pambansang pondo ngayong taon at walang katotohanan ang sinabi ni Andaya na ititigil na ang pagpapatupad sa cash-based budgeting system.

Sa ngayon ay hindi pa naaprubahan ng Senado ang proposed 2019 national budget magmula nang mag-Christmas break ang kongreso dahil na rin sa delayed submission dito ng Kamara.

Facebook Comments