CASH CARD | Fuel vouchers para sa mga operator ng pampasaherong jeep, ipapamahagi na ngayong araw

Manila, Philippines – Ipapamahagi na ngayong araw ang mga cash card sa mga operator ng mga Public Utility Jeepney (PUJ).

Ang cash card ang ayuda ng gobyerno sa mga PUJ dahil sa magtaas na presyo ng produktong petrolyo mula nang ipataw ang excise tax.

Ayon kay Landbank President Alex Buenaventura, sila at ang LTFRB ang hahawak sa distribusyon ng mga cash card, na magagamit lang sa diesel at hindi sa ibang bagay.


Aniya, may 178,000 PUJ units ang target mabigyan ng tig-P5,000 ayuda na magagamit sa loob ng anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Bukod sa cash card, may diskuwento ring ibibigay ang mga kompanya ng langis.

Kasabay nito, umapela naman si Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag nang humiling ng dagdag-pasahe ang mga jeep lalo na at inaasahang bababa ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Patuloy namang dinidinig ng LTFRB ang petisyon ng mga jeepney operator sa hiling na P2 dagdag sa base fare.

Facebook Comments