CASH CARD NG BENEPISYARYO NG UCT-LISTAHAN, NAIPAMAHAGI NA SA ISANG SIYUDAD AT DALAWANG BAYAN SA PANGASINAN

Tinanggap na ng mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ang UCT cash card ng mga ito sa isinagawang magkahiwalay na payout para sa mga benepisyaryo mula sa Dagupan City, San Fabian, at San Jacinto, Pangasinan.

Laman ng cash card na ito ang 2020 cash grant na hindi nila nakuha noong nakaraang taon.

Bago pa nito ay sinuri at pinatunayan ng staff ng DSWD Field Office 1 ang dokumento ng mga benepisyaryo habang ipinamahagi ng staff ng Land Bank of the Philippines ang cash card.


Patuloy din naman ang mga Notifier sa pagpunta sa lahat ng Barangay sa Region 1 upang ipaalam sa mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan kung anu-ano ang mga dokumentong kailangang dalhin sa payout, at saan at kailan ito gaganapin.

Ang pagno-notify ay isa sa mga hakbang na kailangang tapusin bago isagawa ang payout ng UCT para sa taong 2020.

Ang mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ay kabilang sa mga natukoy na mahihirap na sambahayan sa Listahanan 2 at lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Train Law.

Facebook Comments