CASH FOR WORK PROGRAM PARA SA MGA PWDS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, INILUNSAD

Inilunsad sa Lungsod ng Dagupan ang BUHAYNIHAN Cash-for-work program ng pamahalaan upang bigyang suporta ang mga persons with disabilities o PWD sa lungsod kasabay ng pagdiriwang ng International Persons with Disabilities nito lamang ika-3 ng Disyembre.
Sa pangunguna ng LGU Dagupan City sa pamumuno ni Mayor Belen T. Fernandez, iniabot ng alkalde ang programang livelihood assistance na BUHAYNIHAN o Buhay at Bayanihan para sa mamamayan Program ng pamahalaan sa pamamagitan ng ahensyang DSWD para sa mga benipisyaryong may kapansanan sa lungsod.
Nabenipisyuhan ng programa ang nasa 322 na benepisyaryo na masusing sinuri ng DSWD R1 at City Social Welfare and Development Office kung saan ayon kay CSWD OIC Irene Ferrer, bawat isa ay tatanggap ng kabuuang P3,700 bilang sahod sa loob ng sampung araw na paglilinis sa barangay at coastal areas ng siyudad bilang bahagi ng preparedness, mitigation, o risk reduction projects and activities sa lugar.

Ilan sa mga benepisyaryo ay nakapag-umpisa na sa trabaho at kanila ng natanggap ang limang araw na sahod ng mga ito. Samantala, ipinahayag naman ni Josie de Vera, ang Focal Person for PWD sa lungsod, sakaling ang mga PWDs na ‘not physically fit to work’ ay maaari umanong saluhin ng kamag-anak o representative sa paglilinis at iba pang gawain.
Sa huli, inaabot naman ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ang mensahe ng Pangulong BBM para sa mga ito via zoom na kahit na mayroong kapansanan kabilang pa rin sila at kailangang tulungan. |ifmnews
Facebook Comments