Cash for work program sa mga pamilyang apektado ng oil spill, palalawakin hanggang 90 araw ayon sa DSWD

Palalawigin pa ng DSWD at DOLE nang hanggang 90 araw ang cash for work program para sa mga pamilyang apektado ng oil spill.

Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sa orihinal na programa ay hanggang 15 araw lamang ang cash for work program pero napalawak pa nila ito hanggang 45 araw.

Batay aniya sa nakikita nilang pangangailangan, handa ang gobyerno na mas palawakin pa ang panahon ng pagpapatupad nito o hanggang 90 araw.


Nag-usap na aniya sila ng DOLE at nagkasundo na sandaling matapos na ng DSWD ang kanilang Cash for Work program, papasok naman ang DOLE para ito ipagpatuloy sa pamamagitan naman ng tupad program para sa disadvantaged o displaced persons.

Sa ngayon, sinabi ni Gatchalian na nagpapatuloy ang pamamahagi nila ng family food packs sa mga apektadong pamilya sa katunayan ay nasa ikatlong wave na sila ng pamamahagi ng tulong.

Facebook Comments