CASH GRANT AT FOOD VOUCHER, IPAMAMAHAGI SA GRADE 12 GRADUATING STUDENTS SA SAN QUINTIN

San Quintin, Pangasinan – Ipamamahagi ng pamahalaang lokal ang cash gift at food voucher sa mga nagtapos na Grade 12 senior high school students sa bayan ng San Quintin.

Ang mga mag-aaral mula sa San Quintin National High School, Lagasit National High School, at Lumayao Integrated School ay makatatanggap ng naturang graduation gift at maaari itong i-claim sa Municipal Event Center sa darating na Lunes, ika-labing siyam ng Hulyo simula alas otso ng umaga.

Kailangan lamang magdala ng patunay na kabilang nga ang estudyante sa mga graduate sa mga nasabing paaralan gaya ng school id at sertipikasyon mula sa eskwelahan o adviser.


Facebook Comments