Matatanggap na sa susunod na Linggo ng mga magsasaka ang 5,000 Pesos Cash Grant.
Ito ay kasunod ng bumababang presyo ng palay dulot ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Dept. of Agriculture Sec. William Dar, ang gobyerno, sa tulong ng Landbank at Development Bank of the Philippines ay magsisimulang mamahagi ng Cash Grant sa pamamagitan ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program sa December 23.
Sinabi ni Dar na ang pangasinan at Nueva Ecija ang priority areas lalo’t maraming magsasaka dito ang matinding tinamaan ng mababang presyo ng palay.
Metikuloso nilang binuo ang guidelines sa pagpili ng unang 33-rice producing provinces at qualified farmers bilang mga benepisyaryo.
Ang guidelines ay nilagdaan ng mga opisyal ng DA, Landbank at DBP.
Facebook Comments