Manila, Philippines – Aabot na sa 5.65 million mula sa 10 milyong Pilipino ang nabigyan ng ₱2,400 cash grant mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD acting Secretary Virginia Orogo, aabot na sa higit ₱13 billion na halaga ng cash grants ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa buong bansa.
Sinabi ni Orogo, nasa 56.62% na ang kanilang completion, at plano nilang matapos ang pagpapamahagi ng cash grants sa natitirang higit apat na milyong benepisyaryo sa setyembre.
Kabilang sa mga makakatanggap nmg cash grants ay ang mga benepisyaryo ng pantawid pamilya pilipino program, seniors sa ilalim ng social pension program, mga pamilya sa ilalim ng listahanan.
Ang unconditional cash transfer ay tax subsidy program sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Layunin nito na matulungan ang mga mahihirap na maibsan ang tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at mapunan ang iba pa nilang pangangailangan.