Cash incentives ng mga atletang pinoy na lumahok sa SEA Games, ipapamahagi na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Ipapamahagi na sa susunod na linggo ng mga atletang pinoy na lumahok sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia ang kanilang cash incentives.

Mismong si Pangulong Rodrigo Dutertete ang mag aabot ng P16 million na cash incentives sa Philippine Team na makapag-uwi ng 24 gold, 33 silver at 63 bronze medals.

Napapaloob kasi sa Republic Act 10699 o national athletes and coaches benefits and incentives act na ang mga SEA Games gold medalist ay makakatanggap ng P300,000.


Makakatanggap naman ng P150,000 ang mga silver medalist habang mayroong P60,000 ang mga bronze medalist.

Facebook Comments