CASH INCENTIVES PARA SA HIGIT ISANG DAANG PWD BENEFICIARIES NG KALAHI-CIDSS NG DSWD, IPINAMAHAGI NA

Higit sa isang daang Person with Disabilities (PWD) ang tumanggap ng cash incentives sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) – Cash for Work Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ng mga kinatawan ng DSWD KALAHI – CIDSS, katuwang ang DSWD – Municipal Link project coordinators mula sa Region 1 at Municipal Social Welfare and Development Office.
Nagkakahalagang P3,700 cash incentives ang natanggap ng mga benepisyaryo.

Hati sa tatlong kategorya ang mga naging benepisyaryo ng programa.
B1 category para sa mga indigent PWD na bahagi sa Listahanan o National Household Targeting Office List, B2 category naman para sa mga indigent PWD na sinuri mismo ng MSWD, at B3 category para sa mga household member representative ng PWD beneficiary.
Ilan sa mga isinagawang aktibidad ng mga benepisyaryo ay community clean-up drive, gardening at tree planting sa ilalim ng cash for work program.
Kaugnay ang programang ito sa paggunita ng International Day for Persons with Disability na may layunin na bigyan ng pagkilala at himukin ang naturang sektor na makilahok sa Community-Driven Development Program ng DSWD. |ifmnews
Facebook Comments