
Matapos ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash relief assistance para sa mga tricycle driver, mas papalawakin pa ang tulong sa iba pang PUV driver.
Ayon sa DSWD, kabilang na sa bibigyan ng ayuda ang mga pumapasadang MC Taxi (Motorcycle Taxi) at Transportation Network Vehicle Services (TNVS), jeepney driver, at delivery service rider.
Uuna munang bibigyan ng ahensya ang mga benepisyaryo sa Metro Manila bago isunod ang mga nasa labas ng NCR pagkatapos ng Holy Week.
Hinihintay na lamang sa ngayon ang kompletong listahan ng mga driver sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga local government unit.
Kaugnay nito, gumagamit din ang DSWD ng verification system upang maiwasan ang double listing at matiyak ang maayos at pantay-pantay na pamamahagi ng tulong.










