Lalo pang tumaas ng 2.3 percent o katumbas ng 2.92 na bilyong dolyar ang cash remittances mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong Hulyo 2022.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mataas ito kumpara sa 2.85 na bilyong dolyar na naitala noong Hulyo 2021.
Kasabay ito ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.
Kaugnay nito, ang Estados Unidos ang pinagmulan ng pinakamataas na remittance na aabot sa 41.4 percent.
Sinundan ito ng Singapore na may 6.9 percent, Saudi Arabia na may 5.9 percent, habang 5 percent naman sa Japan, at 4.9 percent sa United Kingdom.
Facebook Comments