Cash remittances nitong November 2019, tumaas

Umabot sa 2.4 billion dollars ang natanggap na cash remittances ng Pilipinas mula sa Overseas Filipinos nitong Nobyembre 2019.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula Enero hanggang Nobyembre nitong nakaraang taon, umabot sa 27.2 billion dollars ang kabuoang cash remittances.

Mataas ng 4.4% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.


Tumaas din ng 4.1% ang personal remittances na nasa 30.3 billion dollars.

Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna at may malaking pinagkukunan ng remittances, kasunod ang Saudi Arabia, Singapore, Japan, UAE, UK, Canada, Hong Kong, German, at Qatar.

Facebook Comments