CASH SUBSIDY | DSWD, tiniyak na hindi magagamit sa pulitika ang nasabing pondo

Manila, Philippines – Inaayos na ng Department of Social Welfare and Development ang panuntunan sa pagbibigay ng dagdag na cash subsidy sa mga pinakamahihirap para makatulong sa epekto ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa interview ng RMN kay DSWD OIC Emmanuel Leyco – sampung milyong pamilya ang mabibigyan ng tulong pinansyal o unconditional cash transfer kung saan makatatanggap ang mga ito ng 200 pesos kada buwan ngayong 2018 habang 300 pesos kada buwan para sa 2019 at 2020.

Tiniyak din ni Leyco na hindi magagamit sa pulitika ang nasabing dagdag pondo.


Mula sa 10 milyong pamilya, higit apat na milyon dito ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Facebook Comments