Cash subsidy para sa mga PUV operators na apektado ng pandemya, aabot na sa higit P724-M

Nakapagpamahagi na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aabot sa P724.516 million na cash subsidy para sa mga operator ng public utility vehicles (PUVs) na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, ang ayuda ay bahagi ng P1.158 billion budget para sa Direct Cash Subsidy Program sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2.

Tiniyak ni Delgra na sa loob ng linggong ito ay maipamigay pa ng LTFRB ang subsidiya sa mga pampublikong bus at mga jeepney operators na hindi pa nakakakuha.


Aniya, mula nang ilunsad ang programa noong November 16, mahigit na sa 110,000 PUV operators ang nakatanggap ng cash subsidy.

Bawat operator ay binibigyan ng P6,500 kada PUV unit na nasa ilalim ng kanilang prangkisa.

Facebook Comments