Lumagda na ng kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang Basic Environmental Systems & Technologies, Inc. (BEST) upang masimulan na ang cashback program gamit ang mga basura.
Layon ng program na maitaguyod pa ang tamang pagtatapon ng basura at paghihiwalay sa mga ito na makakatulong hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa pagkuha ng consumer goods.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng isang drop off point na pinangalanang My Basurero Eco-Community Center (MBE-C), na matatagpuan sa National Ecology Center sa Quezon City.
Susunod namang itatayo ang mga kahalintulad nito sa mga opisina ng DENR kabilang ang; North Sector sa Navotas, South Sector sa Paranaque at West Sector sa Roxas Boulevard sa Manila.
Alinsunod ang programa sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act.