Baguio, Philippines – “All-set” na at pipirmahan na lang ngayong araw ang Memorandum of Agreement para maging opisyal na ang Cashless Fare Collection System sa Public Utility Vehicles para mas makontrol ang pagtaas ng kaso at paghawa ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Ayon kay Baguio City Mayor and Public Servant, Benjamin Magalong, ang scheme ay mayroong cashless, contactless, at seamless payment transactions sa pamamagitan ng tap cards, near-field communication (NFC) o QR codes, at ang scheme din ay kabilang sa digital transformation program ng syudad kasama ang Smart City.
Samantala, ilang mga business centers at booth sa syudad ang itatayo sa mga ilang paradahan at barangay hall, ang magloload at magbebenta para sa mga gagamit ng tap cards bilang pambayad sa pamasahe. Ang tap cards ay nagkakahalagang P100 na may initial load na P45 at deposit load o maintaining balance na P55 na refundable o pwedeng maibalik kapag isasauli na at hindi na gagamitin ang tap card. Isang booth naman na ang ipinatayo sa may Baguio City Hall noong nakaraang Hulyo 7.
Ang system ay libre at hindi kailangang bayaran o walang dagdag na transaction fees, at refundable deposit lamang para sa mga gagamit ng Public Utility Vehicles ang may bayad ayon kay SquidPay Technology Inc. Executive Assistant, Philip Puzon.
Magpapatuloy naman ang kumpanya para maturuan ang mga ilang sektor at gagamit ng scheme para maging pamilyar ang mga ito sa sistema