
Simula ngayong araw, Hulyo 25 ay maaari nang gamitin ng mga commuter ang kanilang credit, debit card at prepaid card para magbayad ng pasahe sa MRT-3.
Kanina lang ay pisikal na sinubukan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang paggamit ng cashless transaction ng ilang e-wallet para sa less-hassle na biyahe ng mga mananakay na gumagamit ng pampublikong transportasyon.
I-tap lamang ang mga nabanggit na card sa entrance ng tren.
Samantala, asahan naman sa mga susunod na buwan na magagamit na rin ito sa LRT-1 at LRT-2.
Facebook Comments









