Cashless QR payments sa EDSA Busway, inilunsad ng Department of Transportation sa PITX

Inilunsad ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cashless QR payment system para sa mga bumibiyahe sa EDSA Busway sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, maaari nang gumamit ng e-wallet payments ang mga pasahero ng EDSA Busway simula ngayong araw.

Available ang cashless QR payment sa mahigit 200 bus, kung saan bawat konduktor ay may SoundPay device na maaaring i-tap ng mga pasaherong magbabayad gamit ang kanilang e-wallets.

Ani Lopez, malaking tulong ito lalo na ngayong holiday season, dahil mas pinapabilis at pinapadali ang biyahe ng mga pasahero.

Dagdag pa niya, layon ng programa na higit pang mapahusay ang serbisyo sa pampublikong transportasyon, hindi lamang sa pamamagitan ng imprastraktura kundi pati sa modernisasyon ng sistema ng pagbabayad.

Facebook Comments