Cashless transaction, dapat ipatupad sa MRT para maiwasan ang hawaan ng COVID-19

Iginiit ni Senator Francis Tolentino sa Department of Transportation (DOTr) na ikonsidera ang pagpapatupad ng cashless transactions sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay Tolentino, ito ay para malimitahan ang transaksyon sa pagitan ng mga pasahero at MRT personnel.

Mungkahi ito ni Tolentino makaraang umabot na sa mahigit 200 ang mga empleyado ng MRT-3 na nahawaan ng COVID-19.


Diin ni Tolentino, bukod sa mga jeep, point to point buses, UV Express at Grab ay dapat pagtutuunan din ng DOTr na gawing contactless ang paraan ng pagbabayad ng pasahe para sa mga sasakay ng tren.

Facebook Comments