Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan sa Ilocos Region na maari nang makapagbayad sa anumang transaksyon sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code o ang Paleng-QR Plus PH program ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Mula Nobyembre hanggang Disyembre 2025, inilunsad ang programa sa mga bayan ng Narvacan at Salcedo, Ilocos Sur; Rosario, La Union; at Alcala, Pangasinan.
Sa huling datos ng bangko noong Setyembre, nasa higit labing apat na lokal na pamahalaan ang pormal nakapaglunsad sa Ilocos Region, ang ibang lugar ay hindi nakasama sa listahan dahil tinutukoy pa, habang ang ilan ay sumusuporta sa programa ngunit hindi pa pormal na nailunsad sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, isinusulong ang paggamit ng programa bilang ligtas at mahusay na paraan ng pakikipagtransaksyon sa mga pamilihan, transportasyon at iba pang uri ng negosyo.








