Hawak pa rin ng Filipino boxer na si John Riel Casimero ang WBO bantamweight title matapos pahiyain si Guillermo Rigondeaux sa naging laban nila kanina sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.
Nanalo si Casimero via split decision kung saan siya binigyan ng score na 116-112 at 117-111 ng dalawang hurado habang 115-113 ang sa Cuban profession boxer.
Gusto sana ni Casimero na mapatumba sa ring ang kalaban pero panay ang takbo nito sa kanyang suntok, na kilalang style sa ring ni Rigondeaux.
“My expectation is knockout. I want a knockout. I tried to do my best to knock him out but Rigondeaux was always running and running,” ani Casimero.
Dahil sa panalo, napaganda pa ni Casimero ang kanyang record sa 31-4 at 21 KOs.
Facebook Comments