Cassandra Lee Ong, isasailalim sa kustodiya ng Kamara pagbalik sa bansa, base sa utos ng quad committee ng Kamara

Isasailalim sa kustodiya ng Kamara si Cassandra Lee Ong na inaasahang makaabalik sa bansa ngayong hapon mula sa Indonesia.

Kasunod ito ng kautusan na inilabas ng quad committee na binuo ng Kamara at siyang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa extra judicial killings, iligal na droga at Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chariman and Sta. Rosa Representative Dan Fernandez, nakikipag-ugnayan na ang House Sergeant at Arms sa Bureau of Immigration para sa pag-aresto ng Kamara kay Ong.


Si Ong ay iniuugnay kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa POGO na Lucky South 99.

Pina-contempt na ng Kamara si Ong dahil sa kabiguang dumalo sa mga pagdinig ukol sa isyu ng POGO.

Facebook Comments