Cassandra Li Ong, muling ipina-cite in contempt at ipinade-detine na sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City

Muling ipina-cite in contempt ng House Quad Committee si Cassandra Li Ong.

Ito ay dahil sa kabiguan ni Ong na makapagbigay ng mga eksaktong detalye hinggil sa kanyang pag-aaral.

Sa pagdinig, kinuwestiyon ni Abang Lingkod Party-List Representative Joseph Paduano ang mga inconsistency ng mga sagot ni Ong hinggil sa kung saan siya nagtapos ng Alternative Learning System (ALS).


Hindi rin kumbinsido si Paduano na hindi na maalala ni Ong ang kanyang educational history.

Dahil dito, nag-mosyon si Paduano na muling i-cite in contempt si Ong.

Sa pagkakataong ito, ililipat na si Ong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City oras na matapos niya ang inisyal na 30 araw na contempt penalty sa custodial center ng Kamara sa September 26 dahil naman sa hindi pagdalo sa mga naunang hearing.

Samantala, bago magtapos ang pagdinig… inisyuhan din ng show cause order ang maybahay ni Atty. Harry roque na si Mylah Roque dahil sa hindi rin pagdalo sa house quad committee hearing.

 

Facebook Comments