Cassandra Li Ong na iniuugnay kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa POGO na Lucky South 99, hawak na ng mga awtoridad sa Indonesia

Inilabas ngayon sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na nasa kustodiya na ngayon si Cassandra Lee Ong na iniuugnay kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa POGO na Lucky South 99.

Hawak na umano ng Immigration ng Indonesia si Cassandra Li Ong.

Si Li Ong ang isa sa sinasabing may-ari ng Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.


Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez, nakakuha siya ng impormasyon mula sa mga awtoridad na nasa kustodiya na ng Immigration sa Indonesia si Li Ong.

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng Pilipinas sa Indonesia para maibalik sa bansa si Li Ong at papanagutin sa kanyang mga paglabag.

Facebook Comments