
Kinumpirma ng Malacañang na nasa Pilipinas pa si Cassandra Li Ong, ang negosyanteng konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operation na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, base sa records ng Bureau of Immigration (BI), wala pang ulat na lumabas ng bansa si Ong.
Patuloy aniya siyang hinahanap ng mga awtoridad dahil mayroon na siyang warrant of arrest.
Nanawagan naman ang Palasyo sa publiko na kung may nakakita o nakaalam sa kinaroroonan ni Ong, agad ipaalam sa mga otoridad.
Malaking tulong ito para sa patuloy na operasyon ng gobyerno laban sa mga puganteng sangkot sa maanomalyang POGO activities.
Facebook Comments









