Dipolog, Philippines – Matapos ang matagumpay na seafoodfestival sa mga coastal barangays sa siyudad ng Dapitan lalawigan ng ZamboangaDel Norte noong nakaraang buwan ng Marso, isasagawa na naman ang pinaka-unangcassava o balanghoy festival na gagawin ngayong Abril 27-28 nitong taon.
Ayon kay Dapitan City Agriculturist Mr. Cyril Patangan,ang nasabing festival ay lalahukan ng limang mga barangay sa dapitan nakinabibilangan ng Barangay Masidlakon, San Francisco, Sigayan, San Nicolas, at Asenierona siyang host barangay.
Sa loob ng dalawang araw na festival, makikita ang iba’tibang kompetisyon sa pagluluto ng cassava pati na rin ang mga programangpang-agrikultura ng rehiyunal na tanggapan ng Department of Agriculture.
Sa nasabing araw rin, pormal naman na iturn-over ni DapitanCity Mayor Rosalina Jalosjos sa mga cassava association ang bagong cassavaprocessing plant sa may barangay Aseniero na inaasahang magpapalago saproduksyon ng cassava sa lugar.
Cassava o balanghoy festival pinaghahandaan na ng siyudad ng Dapitan
Facebook Comments