Cast at direktor ng Avengers, nagpasalamat sa kanilang Pinoy fans

Ilang cast at direktor ng pelikulang Avengers: Endgame ang nagpaabot ng pasasalamat sa mga Pilipino fans nila.

Sa video na ipinost sa official Facebook page ng Marvel, nagpasalamat si Robert Downey o Iron Man sa kanilang mga fans at sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga pelikula sa loob ng 10 taon.

Kabilang rin sa nagpasalamat sa Filipino audience sina Jerremy Renner na mas kilalang Hawkeye at si Brie Larson o Captain Marvel.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang direktor ng pelikula na sina Joseph at Anthony Russo.

Mababatid na kumita ang Avengers: Endgame ng P205-milyon sa unang araw nito sa mga sinehan.

Facebook Comments