Casual jobs o pansamantalang mga trabaho sa mga manggagawa, gusto nang alisin ni PBBM

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na mawala na ang casual jobs sa Pilipinas.

ito ay sa harap na rin ng target na mabigyan ng quality jobs ang mga Pilipino.

Inihayag ni PBBM na desidido ang kanyang administrasyon na mapagkalooban ang mga Pilipino ng kalidad na trabaho.


Ang pahayag ay ginawa presidente sa harap ng Filipino Community sa Brussels, Belgium kung saan ay nabigyang diin ang may kinalaman sa job creation.

Sinabi ng punong ehekutibo na ang target na job creation ay nakapaloob sa 8-point program ng pamahalaan at kayang abutin sa pamamagitan ng patuloy na pagtataguyod sa trade and investments, pagpapalakas ng infrastructure at energy security.

Binigyang diin ng pangulo na kung magbibigay ng trabaho ang pamahalaan sa mga tao, hindi aniya sana ito ang tinaguriang casual lamang na kung saan ay laging may pangambang mawala ang trabaho maliba pa sa walang benepisyong nakukuha ang mga empleyadong nasa katergoryang casual.

Dapat na aniyang palitan ayon sa pangulo ng matatag na trabaho upang matiyak din naman ang kinabukasan ng mga manggagawa.

Magiging daan din aniya ito ayon kay Pangulong Marcos Jr., para matupad ang kanyang pangarap na darating ang panahon wala nang kailangang umalis ng Pilipinas dahil walang mahanap na quality jobs sa Pilipinas.

Facebook Comments