Casualties dulot ng Bagyong Bising, umakyat na sa 3 habang 10 naitalang sugatan

Tatlong indibidwal ang naitalang nasawi at sampu ang sugatan, habang isa ang nawawala sa Region 5, 7, 8 at 11, dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Batay ito sa huling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of alas-8:00 kaninang umaga.

Ang dalawang unang iniulat na nasawi ay isang 47 anyos na babae sa Catmon, Cebu na namatay sa matinding injury sa dibdib; at isang 79 na taong gulang na lalaki sa St. Bernard Southern Leyte na namatay sa head injury matapos mabagsakan ng mabigat na bagay.


Samantala, 59,098 na pamilya o 229,829 na indibidual ang iniulat na apektado ng bagyo sa 944 na barangay sa Region 5, 8 at CARAGA.

Sa bilang na ito 3,848 ang inilikas sa 236 evacuation centers; habang 5535 na pamilya ang nakitira sa mga kamag-anak o kaibigan.

Halos 46 na milyong pisong halaga naman ang iniulat na pinsala sa agrikultura at mahigit 10 milyong sa imprastraktura sa Region 5 at 8.

Mahigit isang libong bahay naman ang partially at totally damaged sa Region 5, 8 at CARAGA.

Facebook Comments