Nagpapatuloy pa rin ngayon ang operasyon ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Maguindanao kontra Dawlah Islamiyah Maguindanao na kaanib ng International Terror Organization Islamic State o ISIS.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, kahapon pa ng umaga nagsimula ang sagupaan at nagsasagawa ang tropa ng mga sundalo sa lugar ng Air Operation, Artillery Operation at ground operation kaya malaki aniya ang posibilidad na abutin ng hanggang 20 ang casualties sa nagpapatuloy na military operation sa maguindanao.
Grupo aniya nina Dawlah Ismiyah Maguindao Commander Abu Turaife, Biff Commander Salahuddin Hasan at Commander Bongos at Mauwiyah ang natitirang remnant ni Zulkifli Bin hir Alyas Marwan na napatay operation ng PNP SAF sa Mamasapano Maguindanao noon ang nakakasagupa ng militar.
Posible rin aniya kabilang sa 20 Casualties ang mga terrorist commanders.
Sa ngayon sa panig ng militar isa na ang kumpirmadong namatay na sundalo dahil sa patuloy na operasyon.