Manila, Philippines – Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Amusement and
Gaming Corporation o PAGCOR na pumalo na sa anim ang nasawi sa Manila
Pavillon na pawang mga empleyado ng PAGCOR matapos na mabawian ng buhay sa
Manila Doctors Hospital si Jennilyn Figueroa 28 anyos Internal Security
Staff Casino Pavillon kaninang umaga.
Ayon kay Carmelita Twinkle Valdez Assistance Vice President and Head ng
Corporate Communication Department ng PAGCOR Manila Doctors kinumpirma nito
na anim na ang nasawi at sa sunog sa Manila Pavillon hotel kung saan lahat
ay pawang mga empleyado ng PAGCOR.
Paliwanag ni Valdez na unang kumpirmadong nasawi sa sunog ay nakilalang
sina:
Security guard Billy Rey;
De Castro, treasurer officer Edilberto;
Evangelista, assistant treasury Marilyn;
Omadto, CCTV operator John Mark Sabido;
Jr. CCTV operator Jocris Banang;
habang ang nasawi kaninang umaga lamang ay nakilalang si Jennilyn Figueroa
at 16 naman ang mga nasugatan.
Una nang ibinigay ng PAGCOR ang 100 libong piso bawat pamilyang nasawi sa
sunog at sasagutin naman ang lahat ng mga gastusin sa hospital ng mga
nasagutan.