Cataingan, Masbate, magdedeklara ng state of calamity matapos ang malakas na lindol nitong Martes

Inaasahang magdedeklara ng state of calamity ang bayan ng Cataingan sa Masbate matapos ang magnitude 6.6 na lindol nitong Martes.

Ayon kay Cataingan Mayor Felipe Cabataña, halos wala na silang pondong magagamit dahil naituon na ito sa kampanya laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Aniya, hindi nila agad naideklara ang state of calamity dahil ipinasara muna niya ang munisipyo at pinasuspende ang trabaho para masuri at matiyak na ligtas ang kanilang gusali.


Giit ng alkalde, mangangailangan sila ng ₱15 million para sa pagpapakumpuni ng nasirang pier at palengke.

Facebook Comments