Catalonia, idineklara na ang independence mula sa pamamahala ng Spain

Catalonia – Inaprubahan ng Catalan regional parliament ang isang mosyon na nagdedeklara ng kalayaan ng Catalonia sa ilalim ng Spain.

Pitumpu ang bumoto para maaprubahan ang panukala habang sampu naman ang hindi sumang-ayon at dalawa ang nag-abstain.

Dahil dito, naaprubahan ang mosyon na layong bumuo sa “Catalan Republic” kung saan nais ng mayorya ng mga mambabatas na gawing isang “independent at sovereign state” ang Catalonia.


Gayunpaman, nakatakdang ideklara ng Spanish Constitutional Court na iligal ang naging hakbang.

Facebook Comments