Handa na ang pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes sa inaasahang pagtama ng Bagyong Bising sa probinsya.
Ayon kay Catanduanes Governor Joseph Cua, pinagana na nila ang kanilang Emergency Operation Centers (EOC) kung saan awtomatikong ililipat ang mga residenteng ililikas mula sa mga low-lying areas.
Nakalatag na rin ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Sa ngayon, ayon kay Cua, nakatutok sila sa pagmo-monitor sa galaw ng bagyo.
Umaasa ang gobernador na lilihis ang bagyo lalo’t mag-aanim na buwan pa lang mula nang manalasa sa probinsya ang Super Typhoon Rolly.
Kasalukuyang nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Catanduanes kasama ang mga probinsya ng Northern Samar, Eastern Samar at Samar.
Facebook Comments