Isinailalim na sa state of calamity ang Catanduanes dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue.
Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, pumalo na sa halos 2,000 ang dengue cases sa lalawigan.
Mas mataas ito ng 100 kaso ng dengue kumpara noong 2018.
Siksikan na rin ang mga ospital kung saan ginamit na rin bilang wards ng mga pasyente ang mga hallways at conference room.
Nauna nang nagdeklara sa state of calamity sa Cavite, Albay, Iloilo, Roxas, Aklan, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Samar, Kidapawan, Zamboanga Sibugay, South Cotabato, Iligan City sa Lanao del Sur, 10 lugar sa Cagayan de Oro City at 11 bayan sa Cagayan Valley.
Matatandaang idineklara ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert noong July 15 makaraang pumalo sa mahigit 100,000 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang June 29, 2019.