Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ayon sa PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude na 4.4 na lindol ang Gigmoto, Catanduanes kaninang alas-10:40 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng lindol sa 100 kilometro hilagang-silangan ng Gigmoto, Catanduanes.

Paliwanag ng PHIVOLCS, may lalim ang lindol ng 61 kilometro at tectonic ang origin nito.


Naitala naman ang instrumental Intensity 1 sa Virac at Panganiban, Catanduanes.

Wala naman na inaasahang na anumang pinsala at aftershocks matapos ang magnitude na 4.4 na lindol.

Facebook Comments