Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Catanduanes kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 120 kilometro timog-silangan ng Gigmoto, Catanduanes at may lalim na siyam na kilometro.

Dahil sa lakas ng pagyanig, nagbabala ang phivolcs sa mga pinsala at aftershocks.


Naramdaman ang Intensity II sa Palo, Leyte.

Habang naitala ang instrumental intensities sa:

Intensity IV – San Jorge, Samar
Intensity II – Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili sa Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog sa Leyte; San Roque, Northern Samar; at Bulusan, Prieto Diaz sa Sorsogon

Intensity I – Ragay, Pasacao in Camarines Sur; Quinapondan, Eastern Samar; Palo, Alangalang sa Leyte; Monreal, Uson sa Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan sa Quezon; sa Donsol, Sorsogon

Ang instrumental intensity ay ang lakas ng paggalaw ng lupa na sinukat ng mga device malapit sa episentro ng lindol.

Facebook Comments