Handog ang muling pag-arangkada ng Cataract Operation na nakalaan para sa mga Senior Citizens sa lungsod ng Dagupan mula sa tulong ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Alinsunod dito, bilang preparasyon ay sumailalim ang mga senior citizens sa cataract operation screening upang matiyak na handa ang mga ito sa gaganaping operasyon. Kailangang magkaroon ng Cardio-pulmonary (CP) clearance na hudyat upang mapabilang sa nasabing operasyon.
Sa darating na buwan ng Agosto ang nakatakdang date para sa gaganaping cataract operation.
Samantala, kabilang sa isinusulong na healthcare programs ng alkalde ang Dental Mission kung saan magpapamahagi ng mga dentures lalo na sa mga residenteng walang kakayahang bumili ng kinakailangan sa dental health. |ifmnews
Facebook Comments