‘Catch up immunization’, ikakasa ng DOH at PMA para sa mga batang nakaligtaan ang magpabakuna

Magsasagawa ang Department of Health (DOH) at Philippine Medical Association (PMA) ng vaccination campaign para sa mga batang nakaligtaan ang kanilang bakuna dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PMA President Dr. Benny Atienza, layunin ng ‘Chikiting Ligtas’ na siguruhin ang proteksyon ng mga bata mula sa nga sakit gaya ng polio at tigdas.

Aniya, aarangkada ang vaccination drive sa National Capital Region (NCR) mula Mayo 30 hanggang Hunyo 10.


Hinikayat naman ni Atienza ang mga magulang na makiisa sa catch up immunization.

Facebook Comments