Cathay Pacific CEO, nagbitiw sa pwesto!

136

Nagbitiw sa pwesto ang chief executive officer ng Cathay Pacific International Airline na si Rupert Hogg dahil sa lumalalang kilos protesta sa Hong Kong.

Nabatid na nakiisa sa pagprotesta ang ilang mga empleyado ng nasabing airlines na isinagawa sa loob ng Hong Kong International Airport.


Bukod kay Hogg, nag-resign din sa kanyang pwesto si Paul Loo, na chief customer at commercial officer ng Flagship Airline.

Ayon sa Cathay Pacific International Airline, ang pagbibitiw sa pwesto nina Hogg at Loo ay dahil sa bigong mapigilan ang kanilang mga staff na makisali sa malawakang kilos protesta.

Facebook Comments

From Advertisers