Catherine Camilon, maliit na ang tyansang makitang buhay ayon sa PNP pero pamilya nito umaasa pang buhay si Catherine!

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na maliit na ang tyansang makita pang buhay si Miss Grand Philippines Candidate Catherine Camilon.

Ito ang sinabi ni PLtCol. Chitadel Gaoiran, PIO Chief ng PRO4A sa panayam ng mga mamamahayag sa Kampo Crame.

Ayon kay Gaoiran, sa kabila nito ay umaasa parin silang makikita si Catherine nang buhay kaya’t patuloy ang paghahanap nila rito.


Matatandaang October 12, 2023 ng huling makita si Camilon.

Noong Sabado, September 14, nang maaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ng Batangas Regional Trial Court Branch 3 dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kay Camilon ang umano’y mastermind sa pagkawala ng biktima na sina dating Police Major Allan de Castro na sinasabing kasintahan nito at kanyang driver na si Jeffrey Magpantay.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Balayan, Batangas Municipal Police Station ang 2 suspek.

Samantala, sa panayam din ng mga mamamahayag sa Kampo Crame sa ina ni Catherine na si Rose, umaasa silang makikita pa nang buhay si Catherine.

Nananalangin din silang magsasabi ng katotohanan si De Castro at Magpantay kung ano ang kanilang ginawa kay Catherine at kung nasaan na ito ngayon.

Facebook Comments