Manila, Philippines – Itinanggi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kasama sa inilabas na pastoral letter ng CBCP ang listahan nito ng 29 na websites na naglalaman ng fake news.
Sa isang editoryal kasi ng isang kolumnista ng pahayagang Manila Times, nabanggit na sa inilabas na pastoral letter ay may appendix kung saan nakalagay ang mga websites.
Pero sa interview ng RMN kay Reverend Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs – iginiit nitong hindi totoo ang ulat.
Dumipensa rin ang CBCP sa puna ng ilan na tanging mga websites lang na naglalaman ng magagandang balita tungkol sa gobyerno ang isinama nito sa nasabing listahan.
Aniya, hindi tamang bansagan ang simbahan na “yellow supporters” dahil sa paminsan-minsang pagiging kritiko nito sa kasalukuyang administrasyon.
*