Caticlan Jetty Port, nagsuspinde na ng kanilang biyahe

Kinansela na ang biyahe ng roll-on roll-off (Ro-Ro) mula sa Caticlan, Aklan papuntang Mindoro o Batangas at vice versa.

Ito ang anunsyo ng pamunuan ng Caticlan Jetty Port matapos na isailalim ang lalawigan ng Aklan sa storm signal no. 1 dahil sa bagyong Usman.

Limitado na rin ang biyahe ng mga ferry boat mula Caticlan papuntang isla ng Boracay vice versa, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Ibabalik rin ang biyahe ng mga Ro-Ro vessel kapag tinanggal na ang storm signal sa Aklan.

Facebook Comments