Catriona at Pia, nagkita sa New York

Image via Instagram/missuniversecatrionagr

Sa isang pambihirang pagkakataon, muling nagsama ang dalawang Miss Universe ng Pilipinas – sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Matapos bisitahin ni Catriona ang mga kandidata ng Miss Teen USA at Miss USA, nag-girls night out sila ni Pia kasama ang kanilang manager na si Esther Swann mula sa Miss Universe Organization. Ibinahagi ni Instagram user missuniversecatrionagr ang larawan ng tatlo na may nakalagay na my legacy.


Makikita din sa Instagram post ng manager ni Pia na si Rikka Fernandez ang litrato ng dalawang Miss Universe kasama ang presidente ng Miss Universe organization na si Paula Shugart at Miss USA 2019 Cheslie Kryst.

Nasa U.S.A. si Pia dahil sa ilang mga commitments katulad ng Smile Train event. Samantala, naka-base pa din sa New York si Catriona bilang parte ng kanyang obligasyon sa Miss Universe.

Facebook Comments