Catriona Gray, dadalo sa New York fashion week; Arjo Atayde, nag-post ng picture nila ni Maine

Excited na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na dumalo sa nalalait na New York fashion week.

Pero nilinaw ni Catriona na pupunta lamang siya sa event para manood at sumuporta kung saan hindi siya rarampa sa pagkakataong ito.

Ginawa ng beauty queen ang pahayag sa kabila ng lumalabas na report na kasama daw siyang maglalakad sa runway.


Samantala, matapos aminin na “exclusively dating” nag-post ang aktor na si Arjo Atayde ng picture habang kasama si Maine Mendoza.

Hindi malinaw kung kailan at saan kinunan ang litrato na naka-post sa official Facebook page ni Arjo.

Ilang fans naman ang suportado ang sinasabing relasyon ng dalaga kay Arjo pero mayroon din namang tutol gaya ng mga fans ng dating partner ni Maine sa “AlDub” tandem na Si Alden Richards.

Facebook Comments