Catriona Gray, itinanghal na sexiest woman alive ng isang men magazine

Itinanghal bilang “sexiest woman alive” ng isang men’s magazine si Miss Universe  2018 Catriona Gray.

Batay sa Facebook post ng Esquire Philippines, si Gray ang tinanghal nilang Philippines’ Sexiest Woman Alive 2019 dahil sa dahil sa kanyang angking kagandahan – inside and out.

Makikita ang larawan ni Gray, na siyang cover din ng nasabing magazine, na kinunan sa isang bath tub habang suot ang isang one-piece bikini.


Sa mga nakaraang taon, hinirang din na sexiest woman alive ng nasabing magazine sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, actress and model Solenn Huessaff at journalists Karen Davila at Maria Ressa.

Facebook Comments